?

Log in

No account? Create an account
Bakit hindi CITY ang CAINTA? - Last time... [entries|archive|friends|userinfo]
jeepneezy

[ website | Post-it ring rain ]
[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Bakit hindi CITY ang CAINTA? [Oct. 17th, 2008|03:07 pm]
jeepneezy

Naalala ko ito dahil di pa ko nakaka-nood ng sine ulet. Labo ba? Sige linawin natin.

May isa kasing Ad kapag nanonood ka ng sine na pinapalabas ang mga Mayor…Cyempre ako si Mon Ilagan ang ilalaban ko taga-Cainta ata ako!

 

Nakalipas ang ilang mga mayor wala pa din…AD pala yun ng MMDA.

Nahiritan tuloy ako ng Gf ko na “Province” kase ang Cainta kaya wala dun…

 

Kunsabagay…pero bakit hinde City ang Cainta?

 

Naghanap ako sa internet kung ano-ano ang basehan para maging “CITY” ang isang lugar...ito nakita ko at sinagutan.

 

To name a few:

*Ang nasa asterisk ay ang aking sagot sa hinahanap nilang mga batayan.

 

• First class public transit

            *Tama! Pero hinde ba puwede i-consider ang MRT 2? Kahit hanggang

Santolan lang? Malapit na din naman yun di ba? Next….

  

• Mixed-income neighborhoods with houses and flats and apartments and in-laws

            *WANTED BEDSPACER GIRLS ONLY (nakapaskil sa may Village East)

            Kung saan maraming vandal ang 1900.

 

• Replacement of underutilized and unused, derelict workplaces with new places to live and work and play

             *Yung dating restaurant dun malapit sa Gruar…pinalitan na nila sa katunayan pa nga e isa itong “COLISEUM” Nga pala “Cainta Coliseum” ang tinutukoy ko. Yun nga lang laruan ng mga taong sabongero at siyempre trabaho ng iba na yung nandun o dib a “work and play”ang tema/

 

 • Neighborhood centers, bringing together open space, schools, libraries, police stations, meeting rooms, and group housing.

             *Medyo marami ito. Isa-isahin natin…Open space? Sa Karangalan…may space parking dun sa may tapat ng K-mart. (puwede na ba yun?)

 

Schools! (plural) Simulan natin…Meron kaming LA SALLE HIGH ang pagkakabigkas pero ang sa totoo “Rizal High” dun ata nag-aral ang tropa naming si Mac.

 

ICCT – Isang eklusibong paaralan kung saan may graveyard shift ang mga estudyante.

Lahat ng course nandito magsimula nursing – hrm – IT (sa palengke ) kung saan ang mga mag-aaral ng ICCT ay gumagawa ng program sa bugs at hack sa Ragnarok, Flyff, Cabal atbp. On-line games. (Trivia: Ang eskwelahang ito ay kina Felix. Dating Mayor ng Cainta)

  

• Dense concentrations of office workers and housing on trunk transit lines.

            *Sa MRT din matatagpuan ito. Yung nga lang ayaw nila i-consider kahit malapit ito sa Cainta.

 

• Lively downtown and neighborhood commercial districts with sidewalk cafes and street vendors.

            *Downtown Karangalan. Vista Verde commercial districts at Mugs and Wash Café ( tama ba? ) malapit sa Sta. Lucia. Street Vendors? Sa Junction pa lang sari-sari na!

  

• Well-designed and maintained public parks and plazas

            *Munisipyo Plaza kung saan maraming nag-da-date tuwing Linggo.

            * Park – Park 128 ngayon at Park 88 ( Village East )

           

 • Quality public schools

            * LA SALLE HIGH! ( Rizal High sa Karangalan ) Kung saan nag-wa-1-2-3 ang mga estudyante pag-uwian na…sanay na nga ang mga jeep na nasasakyan ko.

 

• Close-by ballparks, stadiums and arenas

            *Closed ballparks! Hinde lang closed may cage pa…dun yata kame sumali dati. Matatagpuan ito sa Karangalan ulet.

            *Stadiums? Alangya! COLISEUM pa kamo! CAINTA COLISEUM!!!

            *Arenas? Louie Arenas ng Blitzkrieg

 

• Mixed-use restaurant/retail/theater/ office and residential projects

            *Tropical ( Good life – Genie – ) Theater at office na din…may pagkain din dun at may kasama pang masahe. Residential? Dun na rin mismo kung saan tumitira ang mga kinakain ng mga taong nagbabayad sa food nila.

 

• Neighborhoods with old buildings and new buildings, and the natural mix of users and incomes that implies

            *Ang building sa Sta.Lucia Mall may lumang Sta.Lu at bagong Sta.Lu…teka napag-isip tuloy ako sa Cainta ba ang Sta.Lu? Pede na bang i-consider yun since malapit lng din naman sa Cainta?

 

• Widen sidewalks and a comprehensive bike network.

            *Malawak ang daan sa Imelda Ave.

            *Bike Network – Mga bikers na nagsisirampa sa may Caltex malapit sa Buenes.

 

Nasagot ko na ang mga batayan ng isang “CITY”.

 

 

 

Kayo na humusga kung Bakit hindi pa CITY ang CAINTA...

 

 

linkReply

Comments:
From: (Anonymous)
2008-10-19 01:39 pm (UTC)
actually, ang basehan tlga pra maging city ang isang lugar ay hindi naman tlga yang mga nabanggit mo, pero ayon sa batas, dapat 100sq km yung lupa (at least,) annual income ng lugar na at least 20million pesos in the last 2years at population ng at least 150,000 na tao
(Reply) (Thread)
From: pict987
2013-02-17 12:30 am (UTC)
locals online now Go Here welcomemyhomecat.blogspot.com
(Reply) (Thread)